Home OPINION MORAL ASCENDANCY VS VP SARA

MORAL ASCENDANCY VS VP SARA

175
0

KABILANG ngayon sa pinakamalalaking iskandalo sa Pinas ang nasimulang pag-uusig kay Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang kadahilanan sa pamamagitan ng bagong impeachment complaints.

Kung magtatagumpay na iakyat sa Senado ang articles of impeachment, isang malaking katanungan ang moral ascendancy ng lahat ng nasa Kamara na nag-endorso at sumama sa paglilitis.

Base sa mga pahayag ni Batangas Congressman Leandro Legarda Leviste, batay sa Cabral Files at iba pa, lumalabas ang pagiging magnanakaw ng napakalalaking bilang ng mga kongresman, hindi lang sa mga flood control scam kundi sa iba pang proyekto.

Pare-parehong isinangkot ni Leviste ang maraming district at party-list representative sa kikbakan na aniya’y ilalantad niya anomang araw mula ngayon.

Nariyan din si Navotas City Cong. Toby Tiangco na nagsabing ang impeachment na pumalpak sa Senado ay naging pera-pera nang pangakuan ang mga pumirmang 215 kongresman ng multi-milyong pondong For Later Release.

Sinasabing nasa 90% ng mga kongresman noong 19th Congress ang nakabalik sa Kamara sa bisa ng halalang 2025 at marami sa mga ito ang pumirma sa pumalpak na impeachment laban kay VP Sara at may posibleng pipirma pa rin sa mga bagong impeachment.

Idagdag pa rito ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na higit na tumutukoy sa mga kongresman na magnanakaw sa kanyang nakaraang State of the Nation Address na dahilan naman upang isara ang imbestigasyon ng Kamara sa mga iskandalo at kikbakan sa flood control scam at tanging ang Senado ang nagpatuloy sa imbestigasyon bagama’t hilaw na hilaw.

Hilaw na hilaw dahil hindi ipinatawag ng Senate blue ribbon committee ang ilang malalaking tao na sana’y makapaglilinaw sa mga iskam gaya nina dating Executive Secretary Luis Bersamin, dating Budget Secretary Amenah Pangandaman at iba pang mga Kalihim ngayon na lumalabas na may mga kwestiyonableng multi-bilyon ding pondo.

Heto ang moral ascendancy: “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan, siya ang unang bumato sa kanya!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here