Home OPINION MALALANG KORAPSYON SA PH

MALALANG KORAPSYON SA PH

194
0

NALAGAY sa pinakamasamang ranggo sa taunang Corruption Perceptions Index ang ‘Bayan Nating Minumutya’.

Sa 182 bansa, nasa ika-120 pwesto ang Pilipinas sa 2025 CPI. Bumagsak pa ito ng anim na pwesto. Hindi ito biro, bagkus ay sobrang nakapanlulumo.

Pero ang sagot ng Malacañang. “inaasahan” na raw nito ang pagbagsak dahil nasa gitna tayo ng mga isyu ng mga anomalya sa pagbabadyet at mga gawaing pampubliko.

Aba’y hindi na nga nahiya, ang yabang pa ng sagot.

Natuklasan daw ang mga anomalya, partikular ang ghost flood control projects, nang ilunsad ni Pangulong Marcos ang pagsugpo sa katiwalian.

Bwar, har, har! Ukininam!

##

Ang Pilipinas ay nakakuha ng score na 32 sa 100. Kung baga sa akademya, lagapak ito. Bagsak sa row 4 (malapit sa trash can?-Ed), Ika nga. Sobrang sama, Nakadidismaya, Ante Kler!

##

Simula nang gumamit ang Transparency International ng 0-100 scale o mula sa “highly corrupt” hanggang sa “very clean” – noong 2012., ang 32 ay mababa sa regional average score na 45 at global average na 45.

Binanggit ng isang tagapayo ng Transparency International na sa maraming bansa sa Asia-Pacific, ang “good governance” ay pinahihina ng hindi tamang pagpapatupad ng batas, kawalan ng pananagutan sa liderato at kawalan ng transparency sa pagpopondo sa pulitika o mga paggasta sa kampanya ng mga politiko.

Ang nakalulungkot ay alam na alam ito ng marami sa ating mga kababayan. Pero parang tanggap na ganito na lang tayo. Hinahayaang patuloy tayong ilubog ng mga mandarambong sa pamahalaan. Hay, buhay!

##

Napanood natin sa isang nag-viral na video ang pagkasira ng tulay sa Bontoc, Southern Leyte. Noong November 2025 pa ito nawasak dahil sa nagdaang bagyo at paglindol.

Nakita sa viral video ang pagtawid ng mga batang estudyante sa rumaragasang ilog para lang makapasok sa kanilang paaralan at pauwi. Napakamapanganib. Buwis-buhay ang kanilang ginagawa.

Ini-report na raw ito sa Department of Public Works and Highway ngunit hanggang ngayon, wasak pa rin ang tuloy. Ang sabi ng nakasasakop na DPWH sa lugar, wala pa raw pondo sa pagpapaayos nito.

Aba’y buwakang naman na ‘yan, Sec. Vince Dizon, wala ba kayong gagawing paraan para maibalik ang tulay na nasira. Maghihintay pa ba kayo na may mga batang mamatay sa paglangoy at pagtawid sa ilog?!

##

May idaraos na namang Trillion Peso March sa ikatlong pagkakataon kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng People Power revolution.

Ang kanilang sigaw, gaya ng mga nauna ay panagutin ang mga kurakot.

E sino ba ang pasimuno ng kurakutan sa bansa sa kasalukuyan?

Ang nasa likod ng idaraos ng protesta ay ang mga taong nais mapatalsik sa kapangyarihan si Vice President Sara Duterte. So, alam na natin kung sino ang kanilang target.

Ayaw naman nilang isigaw ang BBM resign. Si Pangulong Marcos at pinsang si dating Speaker Martin Romualdez ang itinuturong pinakapuno ng flood control scandal. Trilyong piso ang nawala sa pondo ng bayan dahil sa mga kickback.

Hindi sila “makipag-aaway” kay PBBM dahil “gusto nila” na magkaroon sila ng “unity” para sa 2028 national elections para ipangtapat sa napakalakas na si VP Sara. Eh ‘di wow!#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here