UNITED NATIONS – Hinihikayat ng administrasyong Trump ang ibang bansa na pilitin ang maliit na bansang Pasipiko na Vanuatu na umatras sa draft resolution ng United Nations na nagtataguyod ng mahigpit na aksyon laban sa climate change, kabilang ang reparasyon para sa pinsalang dulot ng mga bansang hindi kikilos.
Sa gabay ng State Department sa lahat ng embahada at konsulado, sinabi nitong “strongly objects” sa proposal at maaaring “pose a major threat to U.S. industry.”
“President Trump has delivered a very clear message: that the U.N. and many nations of the world have gone wildly off track, exaggerating climate change into the world’s greatest threat,” saad sa dokumento.
Ang draft resolution, na isinusulong ng Vanuatu, ay batay sa advisory opinion ng International Court of Justice (ICJ) noong Hulyo. Ayon sa ICJ, maaaring lumabag sa international law ang mga bansang hindi kumikilos laban sa climate change, at ang mga bansang naapektuhan ay may karapatang humingi ng reparasyon.
Layunin ng draft na isalin ang rulings ng ICJ sa “concrete multinational action,” kabilang ang:
–Pagbuo ng national climate action plan para limitahan ang global temperature rise sa ilalim ng 1.5°C
–Paghinto ng subsidies para sa fossil fuel production
–Pagpapatupad ng “full and prompt reparation for damage” sa mga lumalabag
–Paglikha ng International Register of Damage para i-record ang ebidensya at claims
Ani Odo Tevi, UN Ambassador ng Vanuatu: “[The resolution] strengthens global climate action and multilateral cooperation.”
Ayon kay Louis Charbonneau, U.N. director ng Human Rights Watch: “Responsible governments shouldn’t allow themselves to be bullied by those that reject the global scientific consensus and continue to support reliance on harmful fossil fuels.”
Sinabi rin ng State Department na ibibigay sa ibang bansa ang mensahe para pilitin si Vanuatu na umatras sa draft bago magsimula ang informal consultations. Ipinunto rin ng U.S. na may suporta sa kanilang posisyon mula sa ibang Group of 7 countries pati na rin China, Saudi Arabia, at Russia.
Ayon sa maraming siyentipiko, patuloy na nagpapakita ang climate change ng mga mapanganib at malawakang epekto tulad ng pagbaha, tagtuyot, wildfire, malakas na ulan, at matinding init. RNT/MND