MANILA, Philippines – Muling sumugod sa labas ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ni Mary Jane Veloso upang hilingin ang kanyang kalayaan at panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na clemency.
Si Veloso na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Correctional Institutions for Women sa Mandaluyong City ay nakauwi sa Pilipinas isang taon na mula sa pagkakakulong sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Sa isinagawang protesta, partikular na nanawagan si Gng. Celia Veloso, ang ina ni Mary Jane ang clemency at tuluyang pagpapalaya sa kanya dahil matagal na panahon na rin naman aniya na nawalan sa kanila.
Bukod dito, inilahad ng ina na nasisira na ang buhay ng kanyang mga anak kaya sa pamamagitan ng pagpapalaya kay Mary Jane ay umaasa sila na magbabago ang buhay nila.
Hinamon din ng ginang na dalawin ng Pangulo si Mary Jane sa kulungan upang makita ang kanyang kalagayan.







