MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Meta, ang parent company ng Facebook, na hindi na susuportahan ng Messenger.com ang messaging services simula Abril 2026.
Sa isang pahayag, sinabi ng Meta na maaaring gamitin ng mga user ang Facebook.com/messages upang magpatuloy sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa web. “You can use Facebook.com/messages to continue messaging on the web,” ayon sa kumpanya.
“After Messenger.com is discontinued, you will be automatically redirected to Facebook.com/messages for messaging on a computer. You can continue your conversations there or on the Messenger mobile app,” dagdag nito.
Kinumpirma rin ng Meta na hindi na magiging available ang Messenger desktop app.
Ibig sabihin, kailangang gamitin ng mga user ang Facebook website o Messenger mobile app upang magpatuloy sa kanilang messaging kapag tuluyan nang itinigil ang Messenger.com. RNT