Home METRO ‘Patriotic tourism’ bubuksan sa Pag-asa Island

‘Patriotic tourism’ bubuksan sa Pag-asa Island

215
0

MANILA, Philippines – Bubuksan ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan town sa Palawan ang Pag-asa Island para sa tinatawag na “patriotic tourism” upang palakasin ang diwa ng nasyonalismo at maipakilala ang kasaysayan ng isla.

“Patriotic tourism is primarily focused on the story of the island,” ani Kalayaan town councilor Francis Polizon sa isang press conference noong Martes.

Ayon kay Polizon, sa ngayon ay bubuksan muna ang tours para sa mga residente ng Palawan ngayong taon, at inaasahang maglalabas pa ng karagdagang anunsyo sa mga susunod na panahon. Aniya, bagama’t walang tourist facilities ang isla, ang kasaysayan nito at katatagan ng mga residente ang pangunahing maiaalok sa mga bisita.

“We don’t have a five-star hotel there; we don’t have a swimming pool, but we have the vast West Philippine Sea, as clear as crystal,” aniya.

Samantala, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña na isusulong ng kanilang grupo ang mas malaking pondo sa 2027 budget para sa infrastructure projects sa Kalayaan town, kabilang ang mga kalsada, sewerage system, waste management facilities, dormitories para sa medical personnel at guro, housing units, multipurpose building, at isang minibus.

Ang Pag-asa Island ang pinakamalaking bahagi ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea at tinitirhan ng humigit-kumulang 400 residente, kabilang ang mga sundalo, law enforcers, at civilian government personnel.

Pinaninindigan ng Pilipinas ang soberanya nito sa isla at sa sakop nitong territorial waters. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here