MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Rodante Marcoleta na hindi na kailangang magsampa ng kasong treason laban kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, dahil aniya ay “guilty already” ang dating mahistrado.
Ginawa ni Marcoleta ang pahayag sa isang panayam sa telebisyon noong Pebrero 16, kaugnay ng desisyong isinulat ni Carpio noong 2011 hinggil sa territorial waters ng Pilipinas, na ayon sa senador ay nagresulta sa pagkawala ng mahigit 244,000 square miles ng territorial sea ng bansa.
“I thought this person had a broad understanding. That’s why I just said what I did. Actually, what I meant to say was, ‘I pronounce you guilty of treason already.’ There’s no need for me to file a case against you. He already knows what I mean—the connotation of it. Why? Like I said, even a Grade 1 pupil would understand that you can’t just give away what’s yours, especially when we’re talking about territory,” ani Marcoleta.
Iginiit niya na bahagi ng soberanya ng bansa ang territorial sea at binanggit ang kalkulasyon na umaabot sa 274,136 square miles ang territorial sea ng Pilipinas.
Nauna nang tumugon si Carpio at sinabing hindi maaaring magkaroon ng treason sa panahon ng kapayapaan alinsunod sa Article 114 ng Revised Penal Code.
“Every first-year law student knows that treason cannot be committed during peacetime,” ani Carpio, at idinagdag na kailangang amyendahan muna ang batas bago siya masampahan ng ganitong kaso.
Nauna nang nagbanta si Marcoleta na magsasampa ng kasong treason laban kay Carpio kaugnay ng nasabing territorial ruling. RNT