Home METRO Kush, marijuana oil nasabat sa food delivery rider sa Pasay

Kush, marijuana oil nasabat sa food delivery rider sa Pasay

194
0

MANILA, Philippines – Nalambat sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police ang isang food delivery rider na nakumpsikahan ng marijuana oil at kush Miyerkules ng umaga, Pebrero 17.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Tabi, 21, bagong street level individual (SLI), at residente ng Barangay 716, Malate, Manila.

Base sa report na isinumite ni De Sesto sa Southern Police District (SPD), naganap ang matagumpay na pagdakip kay alyas Tabi bandang alas 2:00 ng madaling araw sa Barangay 14 Zone 1, Pasay City.

Nakumpiska sa posesyon ng suspek ang apat na pirasong disposable vape pen na naglalaman ng apat na gramo ng hinihinalang marijuana oil na nagkakahalaga ng P18,000; 30 maliliit na vacuum-sealed plastic packs na naglalaman ng 25 gramo ng hinihinalang marijuana kush na may halagang P37,500; at ang P500 buy-bust money na kasama ng dalawang pirasong tig-P1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para isailalim sa eksaminasyon.

Kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here