MANILA, Philippines – Pormal nang nagsimula ang panahon ng Kuwaresma ngayong Ash Wednesday, hudyat ng 40 araw na paghahanda para sa Kuwaresma na isa sa mga pinakamahalagang paggunita ng Simbahang Katoliko.kamahalagang paggunita ng Simbahang Katoliko.
Mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng Manila Police District (MPD), partikular sa Minor Basilica of Jesus Nazareno o Quiapo Church, upang matiyak ang kaayusan habang dumadalo sa banal na misa ang mga deboto.
Isinagawa ang mga misa mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi, at isinunod ang pagpapahid ng abo sa mga nakapilang deboto sa labas ng simbahan upang hindi maabala ang mga susunod na misa.
Ang Kuwaresma ay hahantong sa Paschal Triduum, na ginugunita ang Pasyon, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus, na ipinagdiriwang sa Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Linggo ng Pagkabuhay.
Nanawagan ang Simbahan sa mga Katoliko na sariwain ang kanilang pananampalataya at maghanda sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno, at kawanggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden