Home NATIONWIDE P28.2B PBBM Bridges Project inaprubahan ng NEDA sa pagpapagaan ng buhay ng...

P28.2B PBBM Bridges Project inaprubahan ng NEDA sa pagpapagaan ng buhay ng mga ARB

165
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agrarian Reform (DAR) na malapit nang maranasan ng halos dalawang milyong agrarian reform beneficiaries (ARB) at mga taga-kanayunan ang mas mabilis na biyahe, mas madaling pagdadala ng ani sa pamilihan, at mas maayos na access sa serbisyong panlipunan matapos aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang ₱28.243 bilyong PBBM Bridges Project.

Ito’y makaraan ibahagi ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang balita matapos ang pamamahagi ng electronic land titles sa 5,837 ARBs mula sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras, at Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa 1,762 ARBs ng Guimaras sa Pototan Coliseum.

Ayon kay Estrella, ang proyekto na tinaguriang “Pang-Agraryong Tulay para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka (PBBM) Bridges” ay malapit ng simulan

“Nalalapit na pong pasimulan ang proyektong ‘Tulay ng Pangulo.’ Inaprubahan na po ng NEDA ang nasabing proyekto ngayong taon,” ani Estrella.

Nabatid na ang PBBM Bridges ay magtatayo ng 350 bakal na tulay sa buong bansa upang pagdugtungin ang mga agrarian reform communities sa mga sentro ng kalakalan, paaralan, at ospital. Layunin nitong gawing mas madali ang pagbenta ng ani at pagkuha ng serbisyong kailangan ng mga magsasaka.

Ayon kay Estrella, tinatayang 350,500 kabahayan o 1.75 milyong katao ang direktang makikinabang sa proyekto—at posibleng mas marami pa kapag isinama ang mga karatig-komunidad.

“Makaasa po ang ating mga ARB sa mas maraming suportang serbisyo na magpapalakas sa kabuhayan at magpapahusay sa food security ng bansa,” dagdag pa niya.

Ayon sa DAR ang proyekto ay sinusuportahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at isinasagawa sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga lokal na pamahalaan at inaasahang matatapos bago o sa Hunyo 2028.

Ayon kay Estrella, nakatakdang makinabang ang may 350,500 pamahayan o 1.75 milyong katao mula sa proyekto, at “maaari pang lumaki ang bilang ng mga ito kung ibibilang ang mga naninirahan sa mga kalapit na komunidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here