Home NATIONWIDE Vlogger iniimbestigahan ng NBI sa pagpapakalat ng pekeng medical record ni PBBM

Vlogger iniimbestigahan ng NBI sa pagpapakalat ng pekeng medical record ni PBBM

188
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ng vlogger na si Jason Argota, na umano’y nagpakalat ng peke at hindi awtorisadong medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay NBI Director Lito Magno, humarap si Argota sa ahensya bilang pagtugon sa subpoena at nagpasa ng pahayag na nananatili pang under investigation.

“He honored the subpoena issued to him. Nagbigay naman siya ng statement. Under investigation pa naman yun,” sinabi ni NBI Director Lito Magno.

Nauna nang inanunsyo ng NBI na naghain ito ng cyberlibel complaint laban naman sa broadcaster na si Jay Sonza at social media personality Eric Celiz sa pagpapakalat ng pekeng medical information tungkol sa Pangulo.

Ani Magno, ang reklamo ay inihain na sa prosecutor’s office at nilinaw na ang kaso ni Argota ay hinahawakan din sa hiwalay na pag-iimbestiga.

“Initially, na file na natin yung kaso before the prosecutors’ office at nandun na yun at tinitingnan pa rin since this is a separate investigation,” pagbabahagi ni Magno.

Matatandaan na noong Enero ay kumalat sa social media ang dokumento na naglalaman umano ng lagay ng kalusugan ng Pangulo.

Tinawag naman ito ng Malakanyang na “fabricated and malicious.”

Ang isyu ay kasunod ng medical observation ng St. Luke’s Medical Center kay Marcos dahil sa diverticulitis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here