Home NATIONWIDE Bangkay ng lalaki isinilid sa sako

Bangkay ng lalaki isinilid sa sako

362
0

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasilid sa sako sa loob ng isang balon sa Magallanes, Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa report ng pulisya, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng itim na jogger pants.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 kamakalawa ng hapon nang natagpuan ang bangkay ng lalaki malapit sa isang creek sa Sitio Kay-Tigbak sa Brgy San Agustin ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isinilid ang katawan nito sa dalawang sako na hinihinalang itinapon sa ilalim ng isang balon sa lugar.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa kaso upang matukoy ang responsable sa krimen at sa pagkamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here