MANILA, Philippines – Nagkakahalaga ng P7.7 milyon na shabu ang nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex noong Pebrero 11, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa NBI, natagpuan ang 5.425 kilo ng hinihinalang shabu sa tatlong abandoned shipments sa People’s Air Cargo & Warehousing Co., Inc. Center.
Ang droga ay nakatago sa mga components ng CCTV cameras at sa false linings ng ilang handbags upang hindi madetect.
Ang mga nasabing ilegal na gamot ay ipinasa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa forensic examination at opisyal na kustodiya.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI ang pinagmulan ng mga shipments at tinutukoy ang mga responsable upang maisampa ang kaukulang kaso ayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/MND