Home METRO Imbestigasyon sa viral checkpoint sa Pagadian, sinimulan ng NAPOLCOM

Imbestigasyon sa viral checkpoint sa Pagadian, sinimulan ng NAPOLCOM

198
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Sinimulan ng National Police Commission Regional Office 9 (Napolcom-9) ang administrative proceedings laban sa isang pulis na nahuling umano’y hindi sumunod sa mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa isang checkpoint.

Ayon kay Napolcom-9 Regional Director Pablito Abad Jr., isinagawa ang hakbang alinsunod sa direktiba ni Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan na agarang aksyunan ang mga ulat ng police misconduct.

Sa viral video noong Pebrero 19, makikitang umano’y tumangging sumunod si Police Executive Master Sergeant Jason Mark Abenes ng Pagadian City Police Station sa mga tauhan ng LTO bago mabilis na umalis sakay ng kanyang motorsiklo sa Urro Street, San Jose District.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring pumasok sa conduct unbecoming of a police officer ang kanyang ginawa at posibleng paglabag sa mga umiiral na batas at regulasyon ng Philippine National Police. Inatasan siya ng Napolcom-9 na magsumite ng sinumpaang written explanation kung bakit hindi siya dapat sampahan ng administrative case.

“The Commission assures the public that the matter will be handled in full compliance with existing laws and procedures, ensuring accountability while respecting the rights of all parties involved,” ani Abad.

Samantala, naglabas din ng hiwalay na pahayag ang Police Regional Office 9 (PRO-9) na kumokondena sa insidente.

“PRO-9 does not condone nor tolerate any act committed by its personnel that violates the law or shows disrespect toward fellow law enforcers,” ayon sa pahayag.

Sinabi ng mga opisyal na isinasagawa ang masusing at patas na imbestigasyon at maaaring magsampa ng administrative at, kung kinakailangan, criminal charges.

“Such behavior is unacceptable and runs contrary to the core values of professionalism, accountability, and integrity that the organization upholds,” dagdag ng PRO-9.

Iginiit din ng mga awtoridad na lahat ng pulis ay dapat sumunod sa batas. “No one is above it, regardless of rank or position,” ayon sa pahayag.

Hinimok ng Napolcom at PRO-9 ang publiko na patuloy na mag-ulat ng anumang misconduct at tiniyak na aaksyunan ito. “We reaffirm our steadfast commitment to maintaining public trust and upholding the highest standards of service,” pahayag ng PRO-9. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here