Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa posibleng outbreak ng measles-rubella sa Mindanao

DOH nagbabala sa posibleng outbreak ng measles-rubella sa Mindanao

155
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Pebrero 21 sa posibleng outbreak ng measles at rubella sa Mindanao.

Ayon sa DOH, mayroon pa ring 520,645 bata sa Mindanao ang nananatiling hindi nababakunahan laban dito.

Nasa 2.3 milyong bata naman o 82% ng target immunization sa rehiyon ang nabakunahan na hanggang nitong Pebrero 20, 2026.

“If many children remain unvaccinated, more of them will get infected, raising the possibility of an outbreak because of vulnerable kids. If 95 percent of children are protected, there will not be an outbreak because the measles will be exposed to the vaccinated children. The virus will not spread,” sinabi ni Herbosa sa panayam ng DZMM Teleradyo.

“Just a reminder, the vaccination is continuous. Vaccinate our children with at least 2 doses with regular immunization,” dagdag ni Herbosa.

Sinabi pa niya na kung marami pang bata ang hindi bakunado laban sa measles at rubella, mayroong mataas na posibilidad ng outbreak ng sakit na magsisimula sa mga paaralan.

Dahil dito, nagpaalala ang DOH na ang routine immunization ay isinasagawa pa rin sa mga health center sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Nauna nang iniulat ng DOH na nagsimula na ito ng vaccination drive sa Mindanao dahil nakapagtala ang rehiyon ng mababang vaccination rates.

Samantala, sisimulan naman sa Hunyo 2026 ang vaccination rollout sa Luzon at Visayas.

Umaasa ang ahensya na makapagbakuna ng nasa 11 milyong bata laban sa sakit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here