Home HOME BANNER STORY 3 weather systems, magdadala ng maulap na panahon sa bansa

3 weather systems, magdadala ng maulap na panahon sa bansa

157
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, inaasahang maulap na may light hanggang scattered rains sa buong bansa ngayong Lunes dahil sa shear line, easterlies, at northeast monsoon o amihan.

Ipinahayag ng weather bureau na ang shear line ay magdudulot ng scattered rains at isolated thunderstorms sa Albay, Sorsogon, Masbate, at Northern Samar.

Samantala, inaasahang magkakaroon ng scattered rains at thunderstorms sa Mindanao at Eastern Visayas dahil sa easterlies, at magdadala rin ito ng isolated rain showers sa Palawan at ibang bahagi ng Visayas.

Ang amihan naman ay magdudulot ng light rains sa Quezon at Bicol Region, pati na rin ng isolated light rains sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, mawawala na ang epekto ng amihan sa bansa sa Martes, habang magpapatuloy ang easterlies sa susunod na mga araw. Wala ring low-pressure areas o bagyo na inaasahang tatama sa bansa sa mga susunod na araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here