Home METRO Halos 15K parak ipinakalat sa People Power Monument

Halos 15K parak ipinakalat sa People Power Monument

177
0

MANILA, Philippines – Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) sa 14,900 ang bilang ng mga pulis na ipinakalat upang tiyakin ang seguridad sa mga rally kaugnay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay PNP Director for Operations Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, nadagdagan ang deployment mula sa unang 13,000 pulis bilang paghahanda sa inaasahang pagdalo ng hanggang 30,000 katao mula sa civil society, church, at progressive groups.

“Many groups want this to be peaceful. What we are really monitoring here are the groups whom we believe to be agitating others so that there’d be violence,” ani Peñones.

“This is the focus of our deployment. This is the focus of our police force to see to it that those groups won’t be able to inflict harm and agitate others in the crowd,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Peñones na patuloy ang monitoring ng pulisya sa posibleng banta, kabilang ang online recruitment upang mag-udyok ng karahasan, ngunit wala pa silang nakikitang seryosong banta sa ngayon.

Pinangunahan ng QCPD sa pamumuno ni PBGen. Randy Silvio ang security briefing ng mga kapulisan sa EDSA People Power Monument para sa paggunita sa ika-40 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. | Danny Querubin

Tanging ang Trillion Peso March Movement, Tindig Pilipinas, at Siklab ang nabigyan ng permit na magdaos ng rally sa White Plains Avenue malapit sa People Power Monument. Gayunman, inaasahan pa rin ang pagdalo ng iba pang grupo, kabilang ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Peñones na papayagan ang mapayapang pagtitipon kahit walang permit ngunit aaksyon ang pulisya kung may paglabag sa batas.

“We have negotiations on the ground… It’s not that, just because you don’t have a permit, you’d be dispersed immediately,” ani Peñones.

Inatasan ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance, habang iginiit ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na ipatutupad ang batas nang walang kinikilingan kung may paglabag.

Nag-deploy din ang pulisya sa mga lugar tulad ng Ayala Bridge at Mendiola Peace Arch bilang bahagi ng security preparations. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here