MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na susi sa pagtamo ng Sustainable Development Goals o SDGs ang localized at konkretong aksyon.
Sa 3rd UN Directors Group Retreat ng Local2030 Coalition sa Bilbao, Spain, sinabi ni DOLE Undersecretary Carmela I. Torres na isinama na ng Pilipinas ang SDGs sa Philippine Development Plan at Ambisyon Natin 2040.
Ayon sa DOLE, isinasalin ang mga pambansang polisiya sa aktuwal na programa ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng convergence budgeting approach.
Patuloy rin ang pakikipagtulungan ng ahensya sa Public Employment Service Offices upang mapalakas ang job matching at career guidance.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 49.43 milyon ang bilang ng mga may trabaho noong Disyembre 2025.
Iginiit ng DOLE ang pangako nitong isulong ang inklusibo at sustenableng reporma sa sektor ng paggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden