MANILA, Philippines – BYAHENG Cebu ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang magkasunod na presidential activities.
Una sa itinerary ng Pangulo ang gagawing pagbisita sa Pag-abot Processing Center sa Sitio Kawayanan, Brgy. Tayud, Liloan, Cebu.
Ang Pag-abot Processing Center ay isang pasilidad ng pamahalaan na itinayo upang tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at vulnerable nating mga kababayan.
Sinasabing ilan sa mga ibinibigay na serbisyo ng Pag-abot Processing Center ay medical, burial, transportation, food assistance, at iba pang emergency relief.
Mula rito ay didiretso ang Pangulo sa inagurasyon ng Visayas Disaster Resource Center na nasa Brgy. Tingub, Mandaue City, na isang disaster response hub na pinatatakbo ng DSWD. (Kris Jose)