Home NATIONWIDE 2 opisyal ng LTO pinasisibak sa P8M pangingikil – DOTr

2 opisyal ng LTO pinasisibak sa P8M pangingikil – DOTr

173
0

MANILA, Philippines – Ikinagalit ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang sumingaw na katiwalian hinggil sa hindi awtorisadong koleksyon sa loob ng Land Transportation Office  (LTO) sa Central Visayas makaraang itong bumisita sa Cebu.

Nabatid sa source na ang komprontasyon ay kinasangkutan ng dalawang matataas na opisyal ng LTO-7 at naganap umano noong Pebrero 20 habang nasa rehiyon si Lopez upang siyasatin ang paghahanda ng pamahalaan sa Mactan-Cebu International Airport para sa 2026 ASEAN Summit.

Sinabi pa sa source, sinabihan si Lopez tungkol sa umano’y P8-million monthly collection scheme na ginagawa umano sa rehiyon.

Ayon pa sa source ang mga opisyal na sangkot ay sinasabi at ginagawang dahilan ang mga pangalan ng central office ng Department of Transportation at isang undersecretary, na sinasabing ang pondo ay inilaan para sa kanila.

“Si Sec. Lopez ay halatang galit,” sabi ng source. “Sinabi sa kanya na ang LTO-7 ay diumano’y nangongolekta ng P8 milyon kada buwan at sinasabi ang mga pangalan ng mga opisyal mula sa central office.”

Dagdag pa ng source, direktang hinarap ni Lopez ang dalawang opisyal. Hiniling umano niya na tukuyin nila ang sinumang superior na nag-utos sa kanila na gumawa ng mga naturang koleksyon.

“Sinabi niya sa kanila na sisiguraduhin niyang matatanggal sila sa kanilang mga post kahit na maubos ang trabaho niya,” sabi ng source.

Kasunod ng insidente, huminto umano ang sinasabing monthly collection sa Central Visayas. Ito ay nananatiling hindi sigurado kung ang mga awtoridad ay magpapatuloy ng isang pormal na imbestigasyon sa insidente. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here