Home NATIONWIDE #WalangPasok sa pag-alburuto ng Kanlaon

#WalangPasok sa pag-alburuto ng Kanlaon

152
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa ilang lugar sa Negros Island Region nitong Biyernes, Pebrero 27, 2026, kasunod ng moderately explosive eruption ng Bulkang Kanlaon nitong Huwebes ng gabi.

Sa Negros Occidental, walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Hinigaran, Himamaylan City, La Castellana, Binalbagan, at Isabela. Sa La Carlota City, suspendido ang klase mula pre-school hanggang senior high school, pampubliko at pribado, sa mga Barangay Yubo, Ara-al, at San Miguel. Sa Murcia, wala ring pasok sa lahat ng antas sa Barangay Minoyan.

Sa Negros Oriental, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Canlaon City. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here