UNITED ARAB EMIRATES – Apat ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa pamosong lugar sa Dubai na Palm Jumeirah matapos tamaan ng debris mula sa napabagsak na missile sa lungsod.
Ang insidente ay nangyari matapos na magsagawa ng serye ng retaliatory missile attacks ang Iran sa mga bansa sa Gulf Arab bilang tugon sa pag-atake ng US at Israel sa Iranian territory.
Ayon sa Dubai Media Office, rumesponde ang emergency crews matapos ang report ng mga pagsabog at sunog sa gusali sa artificial island ng Palm Jumeirah.
“Dubai Civil Defence has confirmed that the resulting fire is now under control. Four individuals sustained injuries and have been transferred to medical facilities,” sinabi pa ng mga awtoridad.
Bagamat may matinding usok na nakita sa kumalat na video ay nilinaw ng mga awtoridad na walang kumpirmasyon ng direktang pagtama ng missile sa istruktura. RNT/JGC