Home NATIONWIDE PBBM nag-report sa publiko: Walang natanggap na report na nasawing Pinoy sa...

PBBM nag-report sa publiko: Walang natanggap na report na nasawing Pinoy sa Arab Gulf states

139
0

MANILA, Philippines – IBINALITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga mamamayang filipino na, as of 9 o’clock, araw ng Linggo ay wala siyang natanggap na report na may nasawing filipino sa ginawang pag-atake ng Iran sa mga base ng Estads Unidos sa United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Israel gamit ang mga ballistic missile.

Ang ginawang pagbomba ng Iran sa mga base ng Estados Unidos sa mga nasabing lugar ay sinasabing bilang ganti sa ginawang pag-atake sa kanila ng Amerika at Israel.

“At nais kong i-report sa ating mga kababayan na sa ngayon, as of 9 o’clock Sunday, wala po tayong natatanggap na report na may casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, wala na Pilipino nang nasaktan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.

Sa ngayon aniya patuloy ang ginagawa nilang pag-monitor. para tiyakin na nasa magandang kalagayan ang mga Filipino sa Gitnang Silangan.

“Mula nung nabalitaan natin na nagsimula itong gera, ay nag-momonitor na kami kahapon pa ng late afternoon sa ating mga embassy, sa ating mga labor attache, sa lahat ng mga embassy natin doon sa Middle East,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng Pangulo na napakaraming Filipino sa Middle East.

“I’m sure nag-aalala kayo sa inyong mga kilala, mga kaibigan at mga kaanak na nandun,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay dahil para sa Pangulo ay hindi pa tapos ang giyera.

“Palagay ko patuloy pa itong giyerang ito,” ani Pangulo.

Sa kabila aniya ng pinakabagong report ay nasa ligtas na lugar ang mga Filipino na sa Gitnang Silangan dahil nakapunta aniya ang mga ito sa bomb shelter.

“At lumalayo sila doon sa mga bases ng Amerikano upang hindi naman sila mapalapit sa alanganin. Patuloy po ang pagre-report natin habang dumadating po ang report sa akin,” ayon sa Punong Ehekutibo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here