Home ENTERTAINMENT Odette Khan, nakaratay sa pneumonia, nanawagan ng tulong!

Odette Khan, nakaratay sa pneumonia, nanawagan ng tulong!

171
0

Manila, Philippines – Mula pa nitong February 21

hanggang sinusulat namin ito’y nananatiling naka-confine ang beteranang aktres na si Odette Khan sa National Kidney and Transplant Institute.

Nasuring may pneumonia ang MMFF 2025 Best Supporting Actress at pagkakaroon ng kumplikasyon sa baga.

Ito ang nilalaman ng social media post ng kanyang anak na si Claudette Avelino-Tandoc.

Ani Claudette: “She has pneumonia, emphysema, edema and fluid was drained from her right lung last last Monday.”

Kumakatok ito sa mga may mabubuting loob na kung maaari’y pagkalooban sila ng tulong para sa gastusin sa ospital.

Umabot na daw kasi sa mahigit P211,000 ang kanilang bill, hindi pa kasama ang professional fees, caregiving expensès at mga gamot.

Saad ng anak ng aktres: “We are running out of funds. I am appealing to your kind hearts as Mommy Odette’s child. She has served the film and television community with all her heart for over five decades.

“If she has touched you in any way during these years and you are capable and willing to donate, we would really appreciate it.”

Matatandaang personal pang tinanggap ni Ms. Odette Khan ang kanyang tropeo para sa pelikulang Bar Boys reprising her role.

Get well soon, Tita Odette.

Mangyaring huwag pagkaitan ng tulong ang isa sa mga mahusay na aktres ng pelikulang Pilipino. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here