Home NATIONWIDE 43°C heat index inaasahan sa Coron, Palawan

43°C heat index inaasahan sa Coron, Palawan

138
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang 43 degrees Celsius na heat index sa Coron, Palawan ngayong Lunes, Marso 2 at bukas, Marso 3.

Ito ang pinakamataas na heat index sa bansa.

Nag-isyu ang PAGASA ng two-day heat index forecast at computed heat index para sa nakalipas na limang araw bagamat hindi pa idinedeklara ang pagsisimula ng tag-init.

Samantala, sunod sa Coron, Palawan na may mataas na heat index ay ang Dumangas, Iloilo na may 42° Celsius na heat index hanggang Martes.

Ang heat index ay ang temperaturang nararamdaman ng katawan.

Sa Metro Manila, ang heat index ay inaasahang maglalaro sa 36° Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City at 37° Celsius sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Bukas, Marso 3, ang heat index forecast para sa Metro Manila ay 35° Celsius sa PAGASA Science Garden at 36° Celsius sa NAIA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here