Home NATIONWIDE DMW: ‘Di kailangan ng mass o mandatory repatriation sa mga OFW sa...

DMW: ‘Di kailangan ng mass o mandatory repatriation sa mga OFW sa Middle East

184
0

MANILA, Philippines – Walang pangangailangan para sa mass o mandatory repatriation para sa overseas Filipinos kasabay ng tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Linggo, Marso 1.

“Alam natin nirerepaso rin ng DFA (Department of Foreign Affairs) ‘yung mga alert levels. So wala pa tayo sa punto ng mass or mandatory repatriation,” sinabi ni DMW Secretary Hans Cacdac.

Noong Sabado kasi ay naglunsad ang Estados Unidos at Israel ng joint military operations laban sa Iran na nagpatindi ng tensyon sa rehiyon.

Sinabi ng Israeli military na gumanti ang Iran ng missile strike sa Israel.

Ani Cacdac, ayaw nilang magdulot ng panic sa mga OFW sa Middle East.

“We definitely don’t want to sound grave alarm, we don’t want to send a message of panic amongst our OFWs. Ayaw natin silang lubos na kabahan,” ayon pa sa DMW Secretary.

“They need to be careful of course, kaya’t may mga advisories nang ipinalabas ang emabahada at Migrant Workers Office natin to abide by host country rules, abide by protocols, alarms, and times in which you should be in a shelter.”

“So sumunod sa batas, huwag makihalo sa mga political discussions or concerns lalo na sa social media.”

Bago nito ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Hinimok naman ni Vice President Sara Duterte ang mga Filipino sa mga apektadong lugar na maghanap ng ligtas na lugar at itago ang kanilang mga pasaporte at importanteng dokumento kasabay ng pagiging handa sa anumang mangyayari.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), walang direktang banta sa Pilipinas ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

“… The tensions remain limited to the Middle East region, and there is no verified direct threat to Philippine territory or to Filipinos and foreign nationals within the country,” sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here