Home ENTERTAINMENT BQ, mamamaalam na!

BQ, mamamaalam na!

214
0

Manila, Philippines – Pagkatapos ng tatlong taon, mamamaalam na sa ere ang FPJ’s Batang Quiapo sa March 13.

Ito ang inanunsyo mismo ng creative director at bidang si Coco Martin na umere sa TV Patrol.

Inamin ni Tanggol (karakter ni Coco sa nasabing action drama series) na hindi kayang pantayan man lang–let alone higitan–ng BQ ang tagumpay ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang AP ay namayagpag sa ere nang mahigit pitong taon.

Sa kaso ng BQ, ani Coco’y tila nagawa na daw lahat ng bidang si Tanggol ang lahat: “Ano pa ba ‘yung major na tatakbuhin ng kuwento?

“Kumbaga, hanggang doon na lang ang takbo ng buhay ni Tanggol.”

Gayunpaman, confident si Coco na aabangan ng mga masugid nitong tagasubaybay ang mga huling gabi ng BQ.

Kasabay nito, pinasalamatan ng actor-director ang lahat ng mga sumuporta sa BQ.

February 13, 2023 nang magsimulang umere ang BQ–na tulad din ng AP ay maraming artista ang nabigyan ng trabaho sa muli nilang paglabas sa telebisyon.

Ano kaya ang susunod na FPJ movie ang isasalin sa teleserye na si Coco pa din ang bida?

Abangan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here