Home NATIONWIDE Estudyanteng rapist sa Isabela arestado sa Ifugao

Estudyanteng rapist sa Isabela arestado sa Ifugao

140
0

ANGADANAN, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang estudyante sa kinakaharap na kasong panggagahasa na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa provincial level ng Isabela matapos maaresto sa Barangay San Marcos, Alfonso Lista, Ifugao.

Sa direktiba ni PCol. Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hulihin ang mga nagkasala sa batas, naaresto ang akusado si alias “Dom,” 19 anyos, estudyante na residente ng Brgy. San Antonio, Alicia, Isabela.

Dakong 1:30 ng hapon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Alicia Municipal Police Station (lead unit), katuwang ang 2nd IPMFC, 205th Maneuver Company RMFB2, PIU-DEU Isabela, at RIU2 ang naturang operasyon sa matagumpay na pagkaaresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inisyu ng isang Presiding Judge ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela, noong Enero 16, 2026 na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PCol. Bringas, alinsunod sa 7-Point Agenda ni Chief PNP na si PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nagbibigay-diin sa mas agresibong pagtugis sa mga Most Wanted Persons, pagpapalakas ng intelligence-driven operations, at makataong pagpapatupad ng batas.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here