MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang overseas voter registration activities sa Middle East sa gitna ng nangyayaring krisis, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa inilabas na pahayag ng Comelec ngayong Marso 2, ang voter registration activities sa Philippine Embassies at Consulate sa Middle East na apektado ng kasalukuyang tensyon sa rehiyon ay magpapatuloy dahil nananatiling bukas ang operasyon ng Philippine Foreign Posts.
Hinimok ng Comelec ang kapwa mga Filipino sa Middle East na manatiling alerto at maging updated sa kasalukuyang sitwasyon sa kani-kanilang lugar, umiwas sa misinformation at disinformation at magtiwala lamang sa mga reliable sources ng mga impormasyon.
Bigyang pansin din ang mga abiso at payo mula sa Department of Foreign Affairs gayundin ang Philippine Embassy o Consulate at huwag mag-atubiling tumawag kapag kinakailangan.
Ang naturang voter registration ay bahagi ng paghahanda para sa 2028 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden