Home HOME BANNER STORY 2 impeachment complaints vs VP Sara, sufficient in forms

2 impeachment complaints vs VP Sara, sufficient in forms

164
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng House Committee on Justice ang unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na inihain at inindorso ng Makabayan Bloc noong February 2, 2026.

Sa botohan ng komite ay 22 miyembro ang bumoto na dapat itong ibasura dahil sa paglabag sa one-year rule bar dahil batay sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa ika-apat na impeachment complaint na inihain noong nakaraang taon magiging epektibo ang panibago paghahain ng impeachment ay Pebrero 6.

Sampu (10) ang tumutol sa mosyon ng pagbasura kabilang ang mga nag-endorso na sina Gabriela Rep. Sarah Elago, Kabataan Rep. Sheree Co at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.

Nilinaw ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairperson ng House Committee on Justice na ang pag-“set aside” sa unang impeachment ay nangangahulugan ng pagbalewala o pagbasura dito.

Dahil dito, dalawa na lamang ang natitirang reklamo na pagbobotohan sa sufficiency in substance, ito ay ang ikatlo at ang ika-apat na impeachment complaints, ang Zavala et al at ang inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera matapos na makumbinsi ang mayorya ng komite na may sapat na porma ang mga ito.

Bukas ng alas-10:00 ng umaga ay muling magpapatuloy ang pagdinig para sa sufficiency in substance. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here