Home NATIONWIDE Gov. Fernando nagsalita na sa isyu ng road rage sa NLEX

Gov. Fernando nagsalita na sa isyu ng road rage sa NLEX

191
0

Bulacan – Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Governor Daniel Fernando tungkol sa umanoy road rage sa pagitan ng kanyang convoy at ng anak ni Pangulong Ferdinang Marcos Jr, kamakailan sa NLEX.

“Sa mga kumakalat na balita sa social media, nais ko pong linawin na ang isyung ito na sinasabing road rage ay malinaw na nagpahayag ang Malacañang tungkol dito at ang LTO. Irespeto na po natin ‘yun. Okey na po ‘yan, ani Fernando sa kanyang talumpati matapos ang pagtataas ng watawat nitong umaga ng Lunes, Marso 2 sa Bulacan Provincial Capitol gym.

“Sa puntong ito, higit sa anumang negatibong balita na nagkalat sa social media ang mas mahalaga sa akin ay inyong pagtitiwala at pagkilala sa aking pagka-tao,” anang gobernador na pinalapakan ng mga opisyal, kawani ng pamhalaang panlalawigan at daan-daang Bulakenyo naroroon.

Sa inisyal na mga report, ilang sasakyan umano ng gobernador ay iniulat na nang-harassed sa isang sasakyan lulan ang anak ni Pangulong Bongbong.

Una nang itininanggi ng palasyo ang nasabing insidente sa mga mamamahayag sa halip sinabing sa LTO na lamang direktang magtanong.

Samantala, hindi na pinatulan ng gobernador ang mga negatibong kumakalat sa social media na ang kanyang convoy ay naghahari-harian at gumagamit ng four lane habang bumabaybay sa NLEX upang hindi maunahan ng ibang sasakyan.

Hindi na rin nilinaw o binanggit ng ama ng Bulacan sa kanyang talumpati ang isyung nag-viral sa social media na binugbog siya ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan, ayon na rin sa beternanong mamamahayag na si Ramon Tulfo.

Sinasabing walang bakas ng pasa o maga sa mukha ng gobernador nang humarap ito sa mga iskolar ng bayan o kabataang Bulakenyo sa nasabing gym nitong nakaraang umaga ng Huwebes, Pebrero 26. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here