LEBANON – Kinumpirma ng Health Ministry ng Lebanon na 31 katao ang nasawi kasunod ng airstrike ng Israel sa naturang bansa.
Ang pag-atake ng Israel ay kasunod naman ng mga naging pag-atake ng Hezbollah.
Isinagawa ng Israel ang matinding airstrikes sa Hezbollah-controlled southern suburbs ng Beirut nitong Lunes, Marso 2.
“Hezbollah opened a campaign against Israel overnight and is fully responsible for any escalation. Any enemy that threatens our security will pay a heavy price,” sinabi ng hepe ng Israeli military na si Lt Gen Eyal Zamir.
Bago nito ay naglabas ng evacuation order ang Israeli military para sa 55 lugar sa Lebanon at binalaan ang mga tao na lumayo 1,000 metro mula sa mga ito dahil sila ay malapit sa “Hezbollah operatives and facilities.”
Nitong Linggo, inanunsyo na ng Israeli military ang deployment ng nasa 100,000 reservists na karamihan ay nasa border ng Lebanon. RNT/JGC