Home OPINION TUNAY NA KUMAKALINGA SA OFW

TUNAY NA KUMAKALINGA SA OFW

158
0

SA loob ng maraming taon, kalat-kalat ang tungkulin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa pangangalaga sa Overseas Filipino Workers na nangangailangan ng tulong.

Kapag may problema kontrata, abuso, repatriation, o ligal na usapin, hindi malinaw kung sino talaga ang unang lalapitan. Para sa mga pamilyang umaasa sa kita mula sa abroad, ang kalituhan ay dagdag pasanin.

Dahil sa kagagawan ng mga illegal na recruitment agency, sila mismo ang nagbibigay ng kalituhan kung saan ilalagay ng mga OFW ang kanilang papeles.

Ngayon ay mas malinaw na ang sistema dahil ang Department of Migrant Workers ang nagsisilbing sentrong ahensya sa usapin ng OFW.

Sa ilalim ng pamumuno ng Kalihim ng DMW Hans Leo Cacdac, maayos na nitong mapagtutuunan na mapaunlad ang serbisyo nito sa pagtugon ng mga kailangan ng OFWs.

Pinagsama-sama na ang recruitment regulation, welfare assistance, legal support, at repatriation sa iisang institusyon. Sa prinsipyo, mas mabilis ang aksyon kapag may malinaw na namumuno.

Sa pagpasok sa ibang bansa, ng pangunahing sandigan ang Department of Foreign Affairs bilang gabay ng mga Pilipino, at dito nagsisimula ang pagbibigay ng tulong at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng bansang pinagtatrabahuhan. Sila ang unang nakahaharap sa mga suliranin.

Pangkaraniwan na ang kalakaran na bago pa man makaalis ang isang OFW, dumaraan muna siya sa mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Immigration. Hindi lang ito simpleng pag-check ng pasaporte. Ito rin ang unang depensa laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Sa madaling sabi, hindi ito kwento ng magkakahiwalay na ahensya — kundi kwento ng isang sistemang may iisang direksyon.

Ang DMW ang sentro. Ang DFA ang mukha sa abroad, ang BI ang bantay sa hangganan. At ang Department of Labor and Employment ang ang arkitekto ng polisiya.

Lalong napapadali ang sistema sa paglutas ng mga suliranin dahil sa makabagong pamamaraan na naglalayong agad na matugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW.

Kung tutuusin, ang tunay na hamon ay hindi kung sino ang may kapangyarihan kundi kung gaano kahusay ang kanilang koordinasyon. Dahil para sa milyon-milyong Pilipinong nangingibang-bansa, ang proteksyon ay hindi dapat nahahati-hati. Ito ay dapat — buo, malinaw, at maaasahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here