MANILA, Philippines – Maaaring magpatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng provisional fare hike kung ang presyo ng regular diesel ay pumalo sa P60 kada litro.
Ito ay kasabay ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Nauna nang ibinabala ni Energy Secretary Sharon Garin na ang presyo ng produktong petrolyo ay posibleng mas tumaas pa kasunod ng mga strike ng US at Israel sa Iran, at pagganti naman nito sa iba pang mga bansa sa Middle East.
Posible ring magpataas ng inflation ang tensyong ito. RNT/JGC