MANILA, Philippines – Naka-handa ang Bureau of Immigration (BI) para sa express lane desk na tutugon sa mga kababayan nating OFW na isasama sa repatriation mula sa Dubai, Israel, at iba pang karatig-bansa na apektado ng gera sa Middle East.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, layunin ng express lane na mas mabilis at maayos ang proseso para sa mga uuwing Pilipino. “Lahat ng concerns at pangangailangan ng ating kababayan ay agad naming tinutugunan,” ani Sandoval sa ginanap na Meet the Press nitong Martes, Marso 3.
Ang naturang event ay inorganisa ng National Press Club of the Philippines (NPC) na pinangunahan ni NPC President Leonel Abasola. Dito ipinaliwanag ni Sandoval ang kahandaan ng ahensya sa pagtugon sa emergency repatriation.







