Home NATIONWIDE Express lane sa mga uuwing OFW mula Middle East, inihanda na ng...

Express lane sa mga uuwing OFW mula Middle East, inihanda na ng BI

176
0

MANILA, Philippines – Naka-handa ang Bureau of Immigration (BI) para sa express lane desk na tutugon sa mga kababayan nating OFW na isasama sa repatriation mula sa Dubai, Israel, at iba pang karatig-bansa na apektado ng gera sa Middle East.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, layunin ng express lane na mas mabilis at maayos ang proseso para sa mga uuwing Pilipino. “Lahat ng concerns at pangangailangan ng ating kababayan ay agad naming tinutugunan,” ani Sandoval sa ginanap na Meet the Press nitong Martes, Marso 3.

Ang naturang event ay inorganisa ng National Press Club of the Philippines (NPC) na pinangunahan ni NPC President Leonel Abasola. Dito ipinaliwanag ni Sandoval ang kahandaan ng ahensya sa pagtugon sa emergency repatriation.

Aniya, naka-coordinate na ang BI sa Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Labor and Employment (DOLE) upang masigurong maibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong sa mga uuwing OFW.

Kasama sa koordinasyon ang paghahanda ng transportasyon, temporary housing, at iba pang emergency assistance para sa mga manggagawang Pilipino sa Gitnang Silangan.

Ang hakbang na ito ay bunsod ng patuloy na pinagsanib na pag-atake ng US at Israel laban sa Iran, na nagdudulot ng panganib sa mga kababayang nasa rehiyon.

Binanggit din ni Sandoval na patuloy na mino-monitor ng BI ang sitwasyon at agad na magbibigay ng updates sa publiko upang maiwasan ang anumang kalituhan o delay sa repatriation process.

Samantala, pinayuhan ng BI ang lahat ng OFW na manatiling alerto, tiyakin ang kanilang travel documents, at makipag-ugnayan sa embahada o konsulado para sa dagdag na impormasyon bago bumiyahe. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here