Home NATIONWIDE Digitalisasyon ng ilang korte sa Benguet, sinuri ni SC Senior Associate Justice...

Digitalisasyon ng ilang korte sa Benguet, sinuri ni SC Senior Associate Justice Leonen

141
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Sinuri ng Korte Suprema ang digitalization ng ilang korte sa Benguet para sa mas episyenteng pamamahala ng mga kaso.

Ito ay matapos bumisita si SC Senior Associate Justice Marvic M.V.F Leonen sa Hall of Justice sa Baguio City at sa Municipal Circuit Trial Court ng Tuba-Sablan sa Tuba Benguet.

Tinalakay niya ang rollout ng eCourtPH sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 ng Korte Suprema na layong i-digitize ang mga proseso sa korte at palitan ang paper-based system.

Naipatupad na ang electronic filing at service sa mga kasong sibil sa mga trial court sa buong bansa sa ilalim ng Rule 13-A ng Rules of Court.

Sinuri rin ni Leonen ang paggamit ng Scriptix na voice-to-text transcription program at inihayag ang planong pagpapakilala ng court management application para sa mas mahusay na pamamahala ng mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here