Home METRO Messenger, nahulihan ng baril sa ‘Oplan Sita’ sa Malabon

Messenger, nahulihan ng baril sa ‘Oplan Sita’ sa Malabon

130
0

MANILA, Philippines – Nahulihan ng baril at arestado ang 40-anyos na lalaking mensahero sa isinagawang Oplan Sita ng Malabon -PNP napaulat kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ang suspek na isang messenger at residente ng Navotas City.

Ayon kay Col. Umipig, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng TMRU sa Brgy., Concepcion nang parahin nila ang suspek na sakay ng isang motorsiklo na may improvised na plaka para sa biripikasyon dakong alas-9:30 ng umaga.

Sa isinagawang pag-inspeksyon, nadiskubre ng pulisya sa loob ng sling bag ng suspek ang isang kalibre .9mm Taurus firearm na may magazine, bala at holster.

Nang wala siyang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay pinosasan siya ng mga pulis habang inimpound naman ang kanyang motorsiklo nang walang naipakitang mga dokumento nito.

Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here