Home METRO Rider nakaladkad ng trak sa Laguna; nakaligtas dahil sa matibay na helmet

Rider nakaladkad ng trak sa Laguna; nakaligtas dahil sa matibay na helmet

184
0

LAGUNA, Philippines – Isang motorista ang himalang nakaligtas matapos makaladkad ng truck sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa mga saksi, umiwas ang rider sa isang tricycle ngunit nasagi at naipit sa ilalim ng kasunod na truck.

Malaking tulong ang kanyang suot na original at matibay na helmet, na nagprotekta sa kanyang ulo at leeg laban sa matinding epekto ng aksidente.

Pinayuhan ang publiko na huwag magtipid sa kaligtasan at laging gumamit ng de-kalidad na helmet sa bawat biyahe. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here