BULACAN, Philippines – Sugatan ang 11 pasahero ng Public Utility Jeepney (PUJ) na umanoy nawalan ng preno matapos sumalpok sa isang puno sa bayan ng Marilao nitong Mayo 3.
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office MDRRMO ng pamahalaang bayan, nangyari ang insidente sa Gulod, Brgy. Sta. Rosa 2.
Ayon sa ulat ng MDRRMO, nawalan umano ng preno ang PUJ at aksidenteng bumangga sa isang puno.
Dahil dito, may naitalang 11 pasahero ang nasugatan na agad dinala ng mga rumespondeng rescue team sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital at Joni Villanueva Hospital para sa kaukulang gamutan.
Sinasabing ang lugar ng insidente ay medyo palusong kaya sa lakas nang pagkakabangga ay halos nawasak ang unahang bahagi ng jeep. (Dick Mirasol III)