Home OPINION SINONG NAGPONDO SA ‘MALETA SOLDIERS’?

SINONG NAGPONDO SA ‘MALETA SOLDIERS’?

258
0

MAY mga nagsasabi na si dating House Speaker Martin Romualdez ang nagpakana at nagpondo sa likod ng biglang paglutang at exposé ng 18 indibidwal na nagpakilalang ex-Marines.

Layon daw ni Romualdez na lituhin at palabnawin ang imbestigasyon ukol sa flood control corruption na direktang nagtuturo sa kanya sa pagkamal ng bilyon-bilyon pisong kickback.

Kung may dawit nga namang ibang malalaking personalidad, mailalayo sa kanya ang atensyon ng publiko at malilihis sa maling daan ang paghahanap at paghingi ng pananagutan sa mga tunay na may kasalanan kung saan numero uno siya sa listahan.

Kahit sinasabing kuwestiyonable ang salaysay ng “Maleta soldiers”, naisilbi naman nito ang totoong intensyon nito at ito’y ang pagdudahan mismo ng mamamayan ang kanilang mga sarili sa kung totoo bang nangyari ang pinakamalaking pandarambong sa kasaysayan ng bansa.

Pansinin ninyo na hanggang ngayon ay nagde-deny pa rin ang mga pinangalanang politiko sa testimonya ng 18 “ex-Marines” habang patuloy lang sa kanyang pananahimik si Romualdez. Dahil sa kanyang sarili, alam niyang “safe” siya.

Maging ang Department of Justice at ang Office of the Ombudsman ay tila napaikot din ni Romualdez dahil kasalukuyang abala ang dalawang ahensya sa pagsusuri sa “Maleta soldiers” testimony na alam ng mga ito noon pang una na peke ang salaysay.

Wala nang sinasanto si Romualdez, at ang gusto niya lang ay ang mailigtas ang sarili at huwag maghimas-rehas.

Katawa-tawa nga na idinamay pa niya sa script ang kanyang mga kaalyado sa Senado na sina Senate President Tito Sotto at Senator Loren Legarda. Kabilang sina Sotto at Legarda sa mga nagtatakip para kay Romualdez nang matutumbok na siya ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan pa noon ni Senator Rodante Marcoleta.

Hindi ba’t nangyari ang Senate leadership change nang masusukol na ni Marcoleta sa kanyang komite si Romualdez, at si Romualdez din ang nagmaniobra upang malagay si Sotto bilang Senate President.

Kung dati’y angatan, ngayon ay laglaganan na. Sabi nga, nakikilala ang tunay na pagkakaibigan sa gitna ng isang pinakamatinding krisis.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here