Home NATIONWIDE Amihan patuloy magpapaulan sa NLuzon — PAGASA

Amihan patuloy magpapaulan sa NLuzon — PAGASA

199
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng pag-ulan sa Hilagang Luzon ang northeast monsoon o “amihan,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Sabado.

Sa 4 a.m. weather bulletin ng PAGASA, inaasahang makakaranas ng maulap na kalangitan na may ulan ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa amihan.

Magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mahinang ulan sa Apayao at mainland Cagayan. Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang mahinang ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies.

Inaasahan din ang katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan sa Northern Luzon, habang mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang alon naman sa iba pang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here