Home TOP STORIES Halos 9 taong murder case pinaaaksyunan kay DOJ acting chief Vida

Halos 9 taong murder case pinaaaksyunan kay DOJ acting chief Vida

157
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang pamilya ni Alfredo Manas kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida na aksyunan ang halos siyam na taong nakabinbing kaso ng pagpatay sa kanilang ama na hindi pa umuusad sa korte hanggang ngayon.

Napatay si Enrique Manas Sr. noong Hulyo 23, 2017, sa isang ambush habang siya at ilang kasamahan ay nagtatabas ng damo sa daan Barangay Bahay, Sta. Margarita, Samar.

Nakaligtas naman sa nasabing ambush si Alfredo at ibang kasamahan.

Isinampa ang reklamo sa mga suspek noong 2017,  ngunit sa kabila ng halos siyam na taon na lumipas, hindi pa rin umuusad ang kaso sa korte.

Matatandaang noong Enero 16, 2025, inatasan ni dating Justice Secretary  at ngayon ay Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang DOJ- Office of the Prosecutor General na isumite ang kinakailangang Information sa korte sa loob ng sampung araw.

Ngayon, Mahigit 411 araw na ang lumipas, hindi pa rin naipapatupad ang utos ni Remulla.

Sa isang liham na may petsang Marso 3, 2026, nanawagan ang pamilya Manas, sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Kristjan Gargantiel, kay Vida na noong panahong iyon ay undersecretary ng DOJ—na tiyaking uusad na ang kaso.

“Patuloy ang paghihintay ng pamilya para sa katarungan. Hindi ito tungkol sa paghihiganti, kundi upang masiguro na maisasakatuparan ang tamang proseso ng hustisya para sa biktima at sa integridad ng sistema,” ani Gargantiel.

Umaasa ang pamilyang Manas  na sa pamumuno ni Vida, maisasakatuparan na ng DOJ ang direktiba ni Remulla at uusad na ang kaso laban sa mga akusado pagkatapos ng halos isang dekadang pagkaantala. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here