Home NATIONWIDE Dagdag P1 bilyong pondo, inihihirit para sa insurance ng mga magsasaka

Dagdag P1 bilyong pondo, inihihirit para sa insurance ng mga magsasaka

152
0

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na humiling ng karagdagang P1 bilyong pondo upang mapalawak ang insurance coverage para sa mas maraming magsasaka at mangingisdang Pilipino sa buong bansa.

Ayon kay PCIC President Jovy Bernabe, bahagi ito ng kasalukuyang paghahanda ng budget na magpapataas sa kabuuang pondo ng ahensya sa P7.5 bilyon.

“The budget preparation is ongoing right now. Our proposal actually is to increase it by PHP1 billion,” pahayag ni Bernabe sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng partnership signing sa Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH noong Lunes.

Sinabi ni Bernabe na sa karagdagang pondo ay maaaring mabigyan ng insurance ang humigit-kumulang 500,000 pang magsasaka at mangingisda, kabilang ang mga nasa sektor ng palay, mais, at high-value crops (HVC).

“Rule of thumb natin, kapag (Our rule of thumb is that with the) additional PHP1 billion, we’ll cover 500,000 more farmers across sectors,” aniya.

Sa planong alokasyon, 60 porsyento ng pondo ay para sa mga rice farmer, habang 20 porsyento naman ang mapupunta sa mga corn farmer.

Nauna nang nakakuha ang PCIC ng P6.5 bilyong pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA), na 45 porsyentong mas mataas kumpara sa P4.5 bilyong budget noong 2025.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 2.93 milyong magsasaka at mangingisda sa buong bansa ang sakop ng insurance program ng ahensya, na may pinalaking indemnity coverage para sa total crop loss.

“Ginawa natin PHP25,000 para dumagdag ang benefit ng mga farmers na indemnity nila maging (We made it PHP25,000 to boost the indemnity benefits of farmers, to make it) PHP25,000 for total loss per hectare. So that’s a 25 percent increase,” ani Bernabe.

Noong 2025, P20,000 kada ektarya lamang ang ibinibigay na indemnity sa insured farmers na nakaranas ng total crop loss.

Ipinahayag din ni Bernabe ang pag-asa na mapapalawig ang charter ng PCIC, kabilang ang panukalang “perpetual” extension, pati na ang pagpapalakas at digitalization ng ahensya at pagpapalawak ng pakikipagtulungan sa mga private insurance company.

“Those are measures to strengthen our agriculture insurance industry,” ani Bernabe. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here