PAMPANGA – NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang ₱382 milyong halaga ng mga materyales para sa iligal na sigarilyo sa isang operasyon sa Apalit, Pampanga noong Marso 5.
Nabatid na isinagawa ang operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at BOC–Port of Limay bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling ng tobacco products, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr.







