Home NATIONWIDE Marinong Pinoy may karapatang tumangging pumalaot sa war zones – DMW

Marinong Pinoy may karapatang tumangging pumalaot sa war zones – DMW

165
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipinong seafarer na maaari silang tumangging bumiyahe sa mga lugar na itinuturing na high-risk o war zones sa gitna ng patuloy na sigalot sa Middle East.

Naglabas ng paalala ang ahensya matapos maiulat na nawawala ang isang Pilipinong seafarer nang ma-atake ang tugboat na kanyang sinasakyan habang tumutulong sa isang distressed vessel malapit sa Strait of Hormuz.

Sa isang pahayag, tinukoy ng DMW ang Advisory No. 11, series of 2026, na nagtatakda sa Persian Gulf, Strait of Hormuz, at Gulf of Oman bilang “Warlike Operations Areas.”

Ang naturang klasipikasyon ay batay sa desisyon ng Warlike Operations Area Committee ng International Bargaining Forum.

“Under the advisory, Filipino seafarers have the right to refuse sailing to these high-risk areas, while shipowners are required to implement enhanced security measures and ensure proper benefits and compensation for affected crew members,” ayon sa DMW.

Dagdag pa ng ahensya, na-monitor na nila ang humigit-kumulang 6,400 Pilipinong seafarer na sakay ng mga barko sa rehiyon at nakumpirmang ligtas.

Patuloy din nilang mino-monitor ang mga barkong may sakay na Pilipinong crew malapit sa Strait of Hormuz.

Nauna nang naiulat na nawawala ang isang Pilipinong seafarer matapos ma-atake ang tugboat na kanyang sinasakyan sa nasabing lugar, bagama’t ligtas ang iba pang crew members.

“Our team, a few days ago, had already visited the family’s home and assured them of our full support during these difficult times while we await the results of the search and rescue at sea,” pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here