Home NATIONWIDE Holy Week break schedule, inianunsyo ng MRT-3

Holy Week break schedule, inianunsyo ng MRT-3

183
0

MANILA, Philippines – Inianunsyo ng Manila Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na suspindido ang kanilang operasyon mula Abril 2 hanggang 5 para sa taunang maintenance tuwing Holy Week.

Ayon sa isang post sa social media, layunin ng suspensiyon na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mapanatili ang maayos na serbisyo. Magsisimula muli ang operasyon sa Lunes, Abril 6.

Ang Maundy Thursday ngayong taon ay mapapaloob sa Abril 2, habang ang Easter Sunday ay sa Abril 5. Wala pang opisyal na pahayag ang Light Rail Transit Lines 1 at 2 kung suspindido rin ang kanilang operasyon para sa maintenance. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here