Home HOME BANNER STORY LTO: Traffic enforcement patuloy sa kabila ng mungkahing ‘holiday’ sa traffic violators

LTO: Traffic enforcement patuloy sa kabila ng mungkahing ‘holiday’ sa traffic violators

180
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Swerte Partylist Rep. Arlyn Ayon na pansamantalang ipahinto ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-aaprehend ng mga motorista sa loob ng 2–3 linggo dahil sa mataas na presyo ng gasolina.

Ayon kay Ayon, maraming magulang ang umaasa sa motorsiklo para sa pamilya at kabuhayan, at maaaring maging mabigat ang multa, tulad ng isang truck driver na nakatanggap ng P1 milyon.

Ngunit sinabi ni Marcos Lacanilao na “Kung ang motorist ay sumusunod sa batas at walang violations, then he has no problems with the LTO.” Dagdag niya, ang malalaking multa ay kadalasang dahil sa colorum o ilegal na pampublikong transport service, na delikado sa pasahero at iba pang motorista.

Ayon kay Ayon, ang panukala ay hindi para hikayatin ang paglabag sa batas kundi bilang pansamantalang konsiderasyon para sa mga drayber na apektado ng mataas na presyo ng langis.

Ipinakita rin sa datos na milyon-milyong piso ang nakokolekta araw-araw mula sa mga violation gaya ng walang lisensya, expired registration, reckless driving, at paggamit ng cellphone habang nagmamaneho. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here