Home METRO P5,000 ayuda sa PUV drivers, planong ipamahagi online – LTFRB

P5,000 ayuda sa PUV drivers, planong ipamahagi online – LTFRB

261
0

MANILA, Philippines – Pinaplano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipamahagi ang fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan (PUV) online upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng PHP5,000. Upang maisagawa ito, inimbitahan ng LTFRB ang mga Electronic Money Issuers (EMIs) bilang payment channel providers para sa ligtas, mabilis, at transparent na distribusyon.

Binigyan ng LTFRB ang mga EMIs ng pagkakataong isumite ang kanilang letter of intent at iba pang dokumento upang patunayan ang kanilang kakayahan sa pagproseso ng transactions.

Batay sa nakaraang fuel subsidy programs, napatunayan na mas epektibo at mabilis ang digital distribution dahil hindi na kailangan pumila sa distribution venues.

Bilang sanggunian, 29 bangko at 44 non-bank financial institutions ay accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang mga EMIs. Kabilang sa mga ito ang Land Bank of the Philippines, BDO Unibank, Citibank, Cebuana Lhuillier, Maya Philippines, at iba pa.

Inanunsyo naman ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na magsisimula sa susunod na linggo ang pamamahagi ng fuel subsidy sa Metro Manila, simula sa mga tricycle drivers, at susundan ng iba pang PUV drivers sa NCR at sa ibang bahagi ng bansa.

Sa isang pagdinig, sinabi naman ni Mar Valbuena, chair ng transport group Manibela, na nawawala sa jeepney drivers ang kalahati ng kanilang karaniwang kita dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here