Home HOME BANNER STORY ICI ‘gang Marso 31 na lang!

ICI ‘gang Marso 31 na lang!

164
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magpapatuloy lamang ito hanggang Marso 31, 2026 habang unti-unti nitong winawind down ang operasyon, halos anim na buwan matapos itong itatag.

Ayon kay ICI Chair Andres Reyes, natapos na nilang ipasa ang lahat ng dokumento, ebidensya, at findings sa Office of the Ombudsman.

Ang ICI ay itinatag sa bisa ng Executive Order No. 94 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 15, 2025. Sa kasalukuyan, si Reyes lamang ang natitirang miyembro matapos magbitiw sina Rogelio Singson at Rossana Fajardo noong Disyembre.

Ani Reyes, nakumpleto na ng ICI ang kanilang mandato, kabilang ang pagsumite ng siyam na referral para sa 65 indibidwal sa Ombudsman at pag-develop ng tatlong information system para tuklasin ang pandaraya at iba pang anomalya sa mga infrastructure projects.

Sinabi niya na sa pagkakaroon ng mga sistemang ito, ang trabaho ng ICI ay maaaring ipagpatuloy ng mga ahensiya na itinatag ng batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here